Isang NPA member, patay sa engkuwentro sa militar sa Oriental Mindoro

By Ricky Brozas May 21, 2017 - 02:34 PM

NPA1Patay ang isang miyembro ng New People’s Army sa engkuwentro sa pagitan ng mga rebelde at tropa ng pamahalaan sa Sitio If-if, Brgy. Cambunang, Bulalacao, Oriental Mindoro Linggo ng madaling araw.

Nabatid na nakatanggap ng tip mula sa  concerned residents ang tropa ng 2nd division ng 4th infantry battalion kaya’t kaagad silang nagsagawa ng operasyon sa naturang lugar.

Sampung mga miyembro ng NPA na pinaniniwalaang kasapi ng platoon olip, KLG roque ang nakasagupa ng militar.

Matapos ang limang minutong bakbakan ay agad namang nagpulasan sa iba’t-ibang direksiyon ang mga kalaban at iniwan ang napaslang nilang miyembro na hindi pa nakikilala.

Narekober naman ng mga otoridad sa pinangyarihan ng bakbakan ang 9mm na pistola, 9 mm live ammunitions, dalawang magazines ng 9mm, isang hand grenade at iba pang mga bala.

Wala namang nasaktan sa panig ng gobyerno.

Pinapurihan naman ni Major General Rhoderick Parayno ang mga sundalo sa matagumpay na operasyon kasabay nang paghimok sa mga rebelde na isuko na ang kanilang mga armas at bumalik sa batas dahil hindi na sila suportado ng taumbayan.

TAGS: Brgy. Cambunang, Bulalacao, Major General Rhoderick Parayno, NPA, Oriental Mindoro, Phil Army, Brgy. Cambunang, Bulalacao, Major General Rhoderick Parayno, NPA, Oriental Mindoro, Phil Army

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.