Davao Oriental, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

Courtesy: Phivolcs
Courtesy: Phivolcs

Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental kaninang 1:03 nang hapon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang episentro ng lindol sa layong 168 kilometers Timog-Silangang bahagi ng Tarragona.

May lalim itong 14 kilometer at tectonic ang origin.

Dagdag ng Phivolcs, walang naitalang pinsala at inaasahang aftershocks kaugnay nito.

Read more...