Eroplano ng Qantas Airways, bumalik sa LA dahil sa engine failure

QANTASIsang eroplano ng Qantas Airways ang napilitang bumalik sa Los Angeles matapos makaranas ng engine failure sa gitna ng biyahe nito.

Nabatid na dalawang oras na itong nasa himpapawid nang mapalitan ang piloto nito na i-abort ang biyahe matapos mapansin ng ilang pasahero ang mga pagkislap mula sa isa sa apat na makina ng eroplano.

Ayon sa Qantas, posibleng galing sa nag-overheat na makina ang naturang pagkislap pero itinanggi ang ulat na nasunog ito.

Sinabi ng airline company na matapos mapansin ang kumikislap na bahagi ng makina ng eroplano, agad ipinatupad ng piloto ang standard procedure.

Bandang alas tres ng madaling araw nakabalik ng ligtas ang naturang eroplano sa Los Angeles na patungo sa Melbourne, Australia.

Matapos makalapag sa LA, agad na ininspesyon ang aircraft personnel ang eroplano.

Inilipat naman sa replacement flight ang daan-daang pasahero ng Qantas A380.

Read more...