Hindi bababa sa tatlumpung bahay ang tinupok ng apoy sa Sitio Kamangahan, Barangay Labangon sa Cebu City, madaling araw ng Linggo.
Ayon kay Senior Fire Officer 2 Ramon Molina ng Cebu City Fire Department, pasado ala una ng madaling araw nagsimula ang sunog.
Bandang 2:02 ng madaling araw aniya nang maging under control ito.
Sinabi ni Molina na wala naman malubhang nasugatan sa insidente maliban nalang sa isang residente na nagtamo ng maliit na galos sa binti.
Hanggang ngayon ay inaalam pa ng mga imbestigador ang sanhi ng naturang sunog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.