Sinimulan na ni Pambansang Kamao at Sen. Manny Pacquiao ang kanyang sparring session
Naganap ang sparring session ng eight-division world champion sa Elorde Gym sa SM Mall of Asia sa Pasay, kahapon, araw ng Sabado.
Ito ay bahagi ng paghahanda ni Pacquiao sa nakatakdang pagdepensa niya sa kanyang WBO welterweight belt laban kay Australian boxer Jeff Horn sa July 2 sa Brisbane, Australia.
Tig-dalawang rounds ang tinagal ng sparring session ni Pacquiao kina Leonardo Doronio at Sonny Katiandagho.
Ayon kay Buboy Fernandez, assistant trainer ni Pacquiao, kuntento siya sa ipinakitang lakas ng pambansang kamao.
Nagsimula ang light training ni Pacquiao noong nakaraang May 8.
READ NEXT
Paglalagay ng rosary at iba pang figurines sa dashboard ng sasakyan, bawal din ayon sa LTFRB
MOST READ
LATEST STORIES