Paglalagay ng rosary at iba pang figurines sa dashboard ng sasakyan, bawal din ayon sa LTFRB

By Mariel Cruz May 21, 2017 - 10:37 AM

ROSARY CARKasabay ng pagpapatupad ng Anti-Distracted Driving Act, nagpaalala ang isang transport official sa mga motorista na hindi lamang electronic gadgets ang hindi dapat nakahambalang sa kanilang “line of sight”, kundi maging ang mga rosaryo, maliliit na figurines, trinkets, at iba pa.

Ayon kay Atty. Aileen Lizada, board member at spokesperson ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), binigyan ng ahensya ang lahat ng may-ari ng public at private vehicles ng hanggang May 26 para tanggalin ang mga bagay sa kanilang dashboard o windshield na maaaring makaistorbo sa “line of sight” ng nagmamaneho.

Sinabi ni Lizada na hindi muna mag-iisyu ng traffic violation tickets ang LTFRB personnel, maging ang mga tauhan ng Land Transportation Office, Metropolitan Manila Development Authority at Philippine National Police-Highway Patrol Group hanggang sa susunod na Biyernes.

Ito aniya ay para mabigyan ng pagkakataon ang mga vehicle owners na tumalima sa naturang kautusan ng LTFRB.

Ginawa ni Lizada ang paglilinaw dalawang araw matapos ang implementasyon ng Anti-Distracted Driving Act kung saan marami sa mga motorista ang nalito partikular na sa mga bagay na dapat alisin sa dashboard o windshield kung nakakaistorbo ito sa line of sight ng driver.

Pero ipinaliwanag ni Lizada na ang pagbabawal sa paglalagay ng rosaryo, at iba pang maliit na figurines sa dashboard o windshield ay wala sa ilalim ng sa Anti-Distracted Driving Act kundi, nakapaloob ito sa Joint Administrative Order No. 2014-01 na inilabas ng LTFRB at LTO, tatlong taon na ang nakalilipas.

Dagdag ni Lizada, simula May 26, lahat ng mahuhuling lalabag sa naturang Joint Administrative Order ay pagmumultahin ng P5,000.

Nakatakda na din aniya maglabas ng isang memorandum circular ang ahensya ukol sa naturang isyu.

TAGS: Anti Distracted Driving Act, Anti Distracted Driving Act

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.