Ilang lugar sa Las Pinas City, makararanas ng 12-hour water interruption bukas, Lunes

WATER INTERRUPTIONInabisuhan ng Maynilad ang mga residente sa Las Piñas City ukol sa mararanasang 12-hour water service interruption bukas, araw ng Lunes.

Ito ay bunsod ng isasagawang pipe network upgrading ng Maynilad sa West Zone simula bukas.

Ilang lugar sa Las Piñas ang pansamantalang mawawalan ng tubig simula alas siyete ng gabi ng May 22, hanggang alas siyete ng umaga ng May 23.

Ayon sa Maynila, layunin ng isasagawang pipe system upgrade na mas maging maayos ang kanilang serbisyo sa West Zone.

Kabilang sa mga barangay na maapektuhan ay ang CAA, Elias Aldana, Pamplona Uno, Pamplona Dos, Pamplona Tres, Talon Uno, at Talon Dos.

Nagpaalala din ang Maynilad sa mga residente na tiyakin sapat ang kanilang suplay ng tubig para sa labingdalawang oras na water interruption.

Read more...