Mga oil companies may dagdag presyo sa susunod na linggo

gas1Makaraan ang dalawang magkasunod na linggong pagtapyas sa presyo ng kanilang producktong petrolyo, magpapatupad naman ng price increase ang ilang kumpanya ng langis sa Martes, May 23.

Sinabi ng ilang source sa oil industry na maglalaro sa P0.70 to P0.80 ang inaasahang dagdag sa presyo ng bawat litro ng gasolina, P0.60 sa diesel samantalang P0.70 hanggang P0.80 naman sa presyon ng bawat litro ng gasolina o gaas.

May kinalaman sa pag-galaw ng presyo sa world market ang price adjustments na magaganap sa susunod na linggo.

Sa lunes inaasahang mag-aanunsyo ang mga oil companies ng kanilang bagong presyo para sa kanilang mga produktong petrolyo.

Read more...