Ilang bahagi ng La Loma isasara sa trapiko kaugnay sa Lechon Festival

By Alvin Barcelona May 20, 2017 - 07:44 PM

lechon
Inquirer file

Isasara bukas ang ilang lansangan sa La Loma area sa boundary ng Maynila at Quezon City area dahil sa idaraos na 2017 Lechon Festival bukas May 21.

Uumpisahan ang festivities sa Amoranto Street ganap na alas-onse ng umaga at posibleng isara ito sa trapiko kaya pinapayuhan ang mga motorista na maghanap ng alternatibong ruta.

Magkakaroon naman ng parada na mag-uumpisa sa kanto ng Amoranto St. at Calavite alas-dos ng hapon bukas.

Kabilang sa mga lansangan na dadaanan ng parade ay ang mga kalye ng Calavite, Don Manuel, Blumetritt Ext, A. Bonifacio Ave., Mariveles Street, Sta. Catalina, Mayon, Alcaraz, Kanlaon, Malaya, Don Manuel, Dr. Alejos, Simon, Halcon at Calamba Street.

Magpapakalat rin ng mga pulis sa nasabing mga lansangan para sa kaligtasan ng mga dadalo sa Lechon Festival.

TAGS: la loma, lechon festival, manila, quezon city, la loma, lechon festival, manila, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.