Dating Gen. Danny Lim susunod na Chairman ng MMDA

By Den Macaranas May 20, 2017 - 06:02 PM

Danilo Lim
Inquirer file photo

Nakatakdang italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Philippine Army General. Danilo Lim bilang susunod na Chairman ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Sinabi ng ilang Malacañang sources na nag-usap na sina Duterte at Lim kung saan anumang araw sa susunod na linggo ay lalagdaan na ng pangulo ang appointment paper ng dating military official.

Si Lim ay tumakbo bilang senador noong 2010 subalit siya’y natalo at ini-appoint naman ni dating Pangulong Noynoy Aquino bilang deputy commissioner ng Bureau of Customs pero kaagad ring iniwan ang posisyon dahil sa umano’y katiwalian sa ahensiya.

Beterano ng mga kudeta mula pa noong panahon ni dating Pangulong Cory Aquino hanggang sa Manila Peninsula Siege noong 2007, si Lim ang ika-labingdalawa sa hanay ng mga dating military officials na nabigyan ng posisyon sa administrasyong Duterte.

Tumanggi naman si Lim na pabulaanan o kaya ay kumpirmahin ang kanyang appointment sa MMDA sa pagsasabing hintayin na lamang ang mag developments sa susunod na linggo.

Sa pagpasok ni Lim sa MMDA, mananatili naman bilang General Manager ng ahensiya si Tim Orbos.

TAGS: danilo lim, duterte, mmda, Tim Orbos, danilo lim, duterte, mmda, Tim Orbos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.