Malacañang aminado na wala pang napipili na susunod na pinuno ng AFP

Eduardo Año1
Inquirer file photo

Wala pang natatanggap na listahan ang Palasyo ng Malacañang mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Board of Generals para sa posibleng pumalit sa puwesto ni outgoing Chief of Staff Eduardo Año.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, wala pang ginagawang rekomendasyon ang nasabing grupo kahit nalalapit na ang pagbabasa pwesto ni Año sa June 2 imbes na sa buwan ng Oktubre kung saan niya maabot ang mandatory age of retirement na 56.

Sinabi ni Abella na ang maagang pagteretiro ni Año ay para magkaroon ng smooth transition sa kanyang bagong posisyon bilang DILG secretary.

Kamakailan ay inanunsyon ng pangulo ang appointment ni Año makaraan niyang sibalik si dating DILG Sec. Mike Sueno dahil sa firetruck procurement controversy.

Nauna nang sinabi ni Año na muli niyang pag-aaralan ang operational plan ng Philippine National Police laban sa iligal na droge.

Read more...