Inihayag ng pamahalaan ng Saudi Arabia na nasabat nila ang isang ballistic missile na pinakawalan sa himpapawid ng mga rebeldeng Houthi mula sa bansang Yemen.
Ang insidente ay naganap araw ng Biyernes sa Saudi Arabia.
Sa ulat ng mga military officials sa lugar, na-intercep ang pinakawalang missile sa layong 200 kilometro sa Timog ng Riyadh.
Naganap ang insidente habang naghahanda ang Saudi Arabia kaugnay sa pagbisita doon ni U.S President Donald Trump sa susunod na linggo.
Sa paunang report na natanggap ng Pentagon, isang Burkan-1 missile ang sinasabing pinawalan ng Iran-allied na Houthi rebels.
Kaagad ring napabagsak ng Saudi-led coalition ang nasabing missile na bumagsak sa disyerto kung saan ay walang naiulat na namatay o nasaktan.
Kaugnay nito ay nagdagdag pa ng mga Patriot missiles ang Saudi Arabia bilang proteksyon sa kanilang hanay sakaling maulit ang nasabing pag-atake.
Samantala, naghigpit na rin ng seguridad ang U.S forces sa rehiyon kaugnay sa gagawing pakikipagpulong ni Trump sa Arab coalition at iba pang Muslim leaders sa Middle East.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.