Kabilang ang New People’s Army sa listahan ng “top terrorist organization in the world.”
Sa 2017 report ng Center for Strategic and International Studies (CSIS), isang Washington-based think tank, kahilera ng NPA ang Islamic State, Boko Haram at Taliban sa top ten list.
Nasa ika-siyam na pwesto ang armed group ng Communist Party of the Philippines na mayroong “119 coordinated terrorist attacks” mula taong 2000 hanggang 2014.
Pinagbasehan ng ulat ayon kay dating Philippine Air Force officer at National Security Council consultant Francisco Ashley Acedillo ang mga pag-atake ang komunistang grupo sa kabila ng peace talks sa pamahalaan.
Ikinumpara ng CSIS ang serye ng mga pag-atake sa iba’t ibang panig ng mundo at nangunguna sa listahan ang ISIS na mayroong 757 attacks.
Nahigitan din ng NPA ang mga pag-atakeng inilunsad ng Moro Islamic Liberation Front o MILF na umaabot ng 63 habang nasa 55 attacks naman ang Bangsamoro Islamic Freedom Movement (BIFM).