140 patay sa pinasabog na military airbase sa Libya
Umakyat na sa 140 ang bilang ng mga patay sa naganap na pag-atake sa isang military base sa Southern Libya.
Ayon sa ulat, karamihan sa mga namatay ay pawang mga sibilyan makaraang lusubin ang Brak al-Shati Airbase kung saan nagka-kampo ang mga tauhan ni Gen. Khalifa Haftar.
Sa isang statement, sinabi ni Mohamed Agliwan, Spokesman ng western Libya faction na ginawa nila ang pag-atake para paalisin ang mga rebelde sa nasabing military facility.
Sinasabing mga tauhan ng government-allied militia ang lumusob sa lugar kung saan ay kaagad na ipinag-utos ng U.N-backed government defense minister ang imbestigasyon kasabay ang pagsuspinde sa kanilang mga tauhan na nasa likod ng pag-atake.
Mariing itinanggi ni Prime Minister Fayez al-Sarra na ipinag-utos niya ang pag-atake.
Noong isang linggo lang ay nagpulong pa sina al-Sarra at Haftar para sa pagsisimula ng peace talk sa kanilang hanay.
Mula nang maalis sa pwesto at mapatay si dating Libyan strongman Muammar Gadaffi noong 2011 ay naging magulo ang sitwasyon sa nasabing bansa dahil sa paksyon sa hanay ng mga armadong grupo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.