Singil sa kuryente, nakaambang tumaas sa Hunyo

By Angellic Jordan May 20, 2017 - 09:55 AM

meralco-121013Nakaumang ang pagtaas sa singil ng kuryente sa darating na Hunyo.

Ito ay matapos aprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang mas mataas na feed-in tariff allowance (FIT-All) rate.

Bunsod nito, magkakaroon ng dagdag na 18.3 centavos per kilowatt-hour sa FIT-All sa electricity bill ng mga konsyumer simula sa susunod na buwan.

Mas mataas ito ng 5.90 sentimo kumpara sa 12.4 cents na ipinataw simula noong January.

Paliwanag ng ahensiya, kailangan ang dagdag-FIT-All rate upang umabot ang pondong pambayad sa FIT-eligible generators.

Saklaw ng dagdag-singil ang hindi pa nababayarang P6.6 billion sa renewable energy developers ng FIT system upang makapagpuhunan ang power developers sa mga mas mahal na renewable sector sa loob ng 20 taon.

Kung hindi anila babaguhin ang FIT-All rate, maaari itong matagalan.

TAGS: june, Meralco, rate hike, june, Meralco, rate hike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.