Delikadong kalsada sa Carranglan, N. Ecija, lalagyan na ng pader

By Kabie Aenlle May 20, 2017 - 04:45 AM

nueva ecija crashSa halip na mga simpleng concrete barrier na may mga pagitan, isang buong pader na ang ilalagay ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa delikado at takaw-aksidente na kalsada sa Carranglan, Nueva Ecija.

Matatandaang noong nakaraang buwan, binatikos ang DPWH dahil sa malagim na aksidenteng ikinasawi ng 33 pasahero ng Leomarick bus, na ikinasugat ng 36 iba pa, nang mahulog sa bangin ang sinasakyan nila.

Inayos ng DPWH ang disenyo ng magiging barrier at ginawa na nila itong isang tuluy-tuloy na pader na naghahakalaga ng P2.5 milyon at may habang `180-metro.

Napansin kasi ng mga safety engineers na sakaling may road barrier na naroon sa bahaging iyon ng kalsada, maaring napigilan nito ang pagkahulog ng bus sa bangin.

Ayon pa kay DPWH director for Central Luzon, kakalangan nila ito ng slope protection wall para matiyak na magiging matibay ang nasabing barrier.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.