Año, magreretiro na sa AFP sa June 2

By Kabie Aenlle May 20, 2017 - 04:33 AM

INQUIRER FILE PHOTO
INQUIRER FILE PHOTO

Naghahanda na si Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Gen. Eduardo Año sa nalalapit niyang maagang pagreretiro.

Sa June 2 nakatakdang mag-retiro sa AFP si Año upang gampanan naman ang tungkulin bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) na ibinigay sa kaniya ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Department of Defense (DND) Sec. Delfin Lorenzana, sinubukan niyang pakiusapan ang pananatili ni Año sa AFP, na dapat ay sa October 26 pa matatapos.

Gayunman, tumanggi ang pangulo at iginiit na dapat nang maganap ang turnover ceremony sa June 2.

Anim na buwan lang ang itatagal ng panunungkulan ni Año bilang AFP chief.

Samantala, ang napipisil naman na pumalit sa kaniya na si Lt. Gen. Leonardo Guerrero ng Eastern Mindanao Command, ay aabot na rin sa kaniyang retirement age na 56 pagdating ng Disyembre.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.