China, nagbanta ng giyera kaugnay ng agawan ng teritoryo sa South China Sea

By Kabie Aenlle May 20, 2017 - 04:31 AM

Duterte Xi JinpingInamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na iginiit na niya minsan kay Chinese President Xi Jinping ang karapatan ng Pilipinas sa mga teritoryo sa South China Sea na pilit sinasakop ng China.

Ito’y taliwas sa mga ibinibintang sa kaniya ng mga kritiko na hindi niya idinidiga sa China ang soberenya ng Pilipinas sa mga nasabing teritoryo.

Ngunit ayon sa pangulo, nagbanta ang China na makikipag-digmaan sila kung ipipilit ng Pilipinas ang nasabing isyu.

Kwento ng pangulo, walang paliguy-ligoy niyang binanggit kay Xi na kung sa tingin nila ay kanila ang mga teritoryo sa South China Sea, pananaw lang nila ito, pero para sa kaniya, maari niyang hukayin ang langis doon dahil sa Pilipinas ito at suportado ito ng arbitral ruling.

Mabilis aniyang sumagot si Xi at sinabing, dahil kaibigan ang turing niya sa Pilipinas, ayaw niyang makipag-away at nais niyang mapanatili ang magandang relasyon ng dalawang bansa.

Gayunman, sinabi aniya ni Xi na kung pupwersahin ng Pilipinas ang isyu, mauuwi ito sa giyera.

Aminado naman si Duterte na hindi niya magawang piliin ang pakikipag-digmaan dahil mangangahulugan ito ng massacre sa mga Pilipino.

Sinisi naman ng pangulo ang nagdaang administrasyon, dahil hinayaan aniya nito ang China na magtayo ng mga istruktura sa South China Sea at hindi humingi ng tulong sa Amerika o sa mga miyembro ng ASEAN upang pigilan ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.