Pagiging testigo sa bilibid drug trade ni Lt. Col. Marcelino pag-aaralan ng DOJ
Pag-aaralan ng Department of Justice ang posibilidad na pagtestigo ni Marine Lt. Colonel Ferdinand Marcelino may kaugnayan sa bilibid drug trade na kinasasangkutan ni Senator Leila De Lima.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, hahayaan muna nila na mag-usap ang pinalayang si Marcelino at ang kanyang abogado na si Public Attorney’s Office Chief Percida Acosta.
Sinabi ni Aguirre, na maaring matanong si Marcelino kung bakit hindi kasama ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa raid sa New Bilibid Prisons noong December 2014 kung saan nakarecover ng mga iligal na droga.
Sa sworn affidavit ni Marcelino, sinabi nito na habang nakakulong sa custodial center ng PNP binisita siya ni De Lima at napag-usapan ang sinalakay na shabu laboratory sa Camiling, Tarlac noong 2014.
Sinabi ni Marcelino na naungkat ang posibilidad na maging angv liderato ng national government ay napasok na rin ng iligal na droga subalit tumugon si De Lima na hindi sangkot si dating Pangulong Rodrigo Duterte na ikinagulat nito.
Si Marcelino ay naglingkod din sa PDEA noong panahon ni dating PDEA Chief Dionisio Santiago.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.