Landmark Russia Trip ni Duterte, kasado na

duterte-putinKasado na ang landmark trip ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Russia sa susunod na linggo.

Ayon kay Department fo Foreign Affairs Assistant Secretary Maria Cleofe Natividad, makikipagpulong si Pangulong Duterte kina Russian President Vladimir Putin at Prime Minister Dmitry Medvedev para isulong ang mas malakas na ugnayan sa depensa at kalakalan.

Sinabi ni Natividad na ang Moscow trip ni Duterte ay magbubukas ng bagong chapter sa relasyon ng Pilipinas at Russia na naging stagnant o walang nangyayari sa loob ng apatnapung taon.

Ang kasunduan anya sa military cooperation ay magbibigay-daan para makakuha ang bansa ng military equipment mula sa Russia.

Magbubukas din ang dalawang bansa ng bagong Defense Attache Offices sa Maynila at Moscow.

Nakatakdang magsalita si Duterte sa prestihiyosong Moscow State Institute of International Relations kaugnay ng foreign policy ng kanyang gobyerno at tungkol sa peace and security.

May schedule rin na pulong ang Pangulo sa mga Pinoy sa Moscow.

Para isulong naman ang trade ties ng dalawang bansa ay kasama sa delegasyon ng Pangulo ang ilang negosyante na kabilang sa Philippine-Russia business forum.

Read more...