Humarap sa Quezon City Metropolitan Trial Court Branch 34 si Senator Leila De Lima ngayong hapon.
Si De Lima ay humarap sa korte kaugnay sa inihaing motion to admit attached comment ng prosekusyon.
Nais na prosekusyon na maisama ang kanilang comment na may kinalaman sa nakabinbing motion for reconsideration ni De Lima na nakatakdang desisyunan ng korte bago ang June 9, 2017.
Ang kaso ay kaugnay sa paglabag sa Article 150 ng Revised Penal Code o disobedience of summons na inihain ni House Speaker Pantaleon Alvarez at Rep. Reynaldo Umali.
May kinalaman ito sa sinasabing pagpigil ni De Lima sa kanyang dating driver/body guard at lover na si Ronnie Dayan na humarap sa pagdinig ng kamara may kaugnayan sa bilibid drug trade.
Sa panayam ng media sinabi ni De Lima ay sinabi nito na na nagpadala lamang si Marine Colonel Ferdinand Marcelino sa pressure sa kanya.
Matagal na rin anyang gusto ng gobyerno na tumestigo si Marcelino upang idiin siya sa kalakalan ng droga.
Naging mahigpit naman ang seguridad na ibinigay ng pulisya kay De Lima na matapos ang pagdinig.
Ibinalik rin si De Lima agad sa kanyang piitan sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.
Dumating din Quezon City Hall of Justice ang mga taga suporta ng senadora.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.