12 Koreano, arestado dahil sa umano’y pag-ooperate ng online business scam

arrestedLabingdalawang South Koreans ang naaresto ng Bureau of Immigration dahil sa umano’y pag-ooperate ng online business scam.

Naaresto ang mga Koreano sa isinagawang operasyon sa kanilang tirahan sa Gramercy Residences, sa Poblacion, Makati City.

Nakilala ang arestadong mga Koreano na sina Noh Heamin, Park Jeongho, Kim Sun Jang, Lee Hyanglim, Yoon Daseul, Kim Sunghoon, Jeong Miseon, Park Mingyu, Park Youngju, Park Hyunmyeung, Park Chanju, at Lee Hyunho.

Kamakailan ay inihayag ni Immigration Commissioner Jaime Morente na nagpatulong sa kanila ang South Korean Embassy sa Manila na ideport ang naturang mga dayuhan para paharapin sa pagdinig.

Ayon kay Morente, ang labingdalawang Koreano ay mayroong nang warrant arrest na inilabas ng Korean court kung saan kinasuhan sila ng large-scale fraud.

Agad na ipapadeport ang mga Koreano kapag inilabas na ng BI ang kautusan para sa kanilang summary deportation.

Bukod dito, malalagay na rin ang mga ito sa blacklist ng ahensya para mapigilan na muling pagpasok sa Pilipinas.

Read more...