100 pulis, ipapakalat sa Quiapo para sa Ramadan

By Mariel Cruz May 19, 2017 - 10:46 AM

philippine-national-police-assembly-marchAabot sa isandaang pulis ang ipakakalat ng National Capital Region Police Office sa Quiapo bilang paghahanda sa Ramadan na magsisimula sa gabi ng May 26.

Ayon kay NCRPO chief Oscar Albayalde, naglagay na sila ng karagdagang PCP o Police Community Precinct sa Quiapo, partikular na sa Golden Mosque.

Ngayon aniya ay nagsisimula na silang magpatupad ng mahigpit sa seguridad sa naturang lugar.

Kamakailan ay naganap ang dalawang magkasunod na pagsabog sa Norzagaray Street malapit sa Golden Mosque kung saan dalawa katao ang nasawi habang anim ang nasugatan.

Sinabi ni Albayalde na iniimbestigahan na nila ngayon ang apat na”persons of interest” sa naturang insidente.

Tinitignan aniya nilang dahilan sa pagsabog ay kung talagang assassination o pananakot lamang.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.