Cimatu, pagtutuunan ng pansin ang problema sa Boracay

BORACAYPagtutuunan ng pansin ni Environment Secretary Roy Cimatu ang mga problema sa mga tourist area tulad ng Boracay.

Ayon kay Cimatu, sisiguruhin niya ang pagkakaroon ng malinis na tubig at maayos na solid waste management.

Ang naturang isla ay kilala sa pagkakaroon ng pinong buhangin at isa sa pinakadinarayong tourist spot sa bansa.

Ayon pa kay Cimatu, kailangang ipatupad ang mga batas sa mga tourist destinations.

Noong nakaraan taon, umabot sa 1.73 milyong mga turista ang naitalang dumayo sa Boracay.

Aniya nagbigay na siya ng direktiba sa mga opisyal ng DENR sa Western Visayas na bigyan ng weekly report sa kalidad ng tubig sa isla.

Tutulong din ang ahensya sa local government sa problema kaugnay ng solid waste management sa munisipalidad ng Malay sa probinsiya ng Aklan na siyang nakakasakop sa isla ng Boracay.

Read more...