Villar, pinakamayaman pa rin sa Senado; Pacquiao No. 2
Nanatiling si Sen. Cynthia Villar ang pinakamayaman sa hanay ng mga senador.
Base sa isinumite nilang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN , nasa 3.6 bilyong piso ang net worth ni Villar at wala siyang utang para sa taong 2016.
Noong nakaraang taon, ang idineklarang net worth para sa taong 2015 ni Villar ay mahigit P3.5 billion.
Samantala, si Sen. Antonio Trillanes IV naman ang lumalabas na pinakamahirap sa idineklara niyang net worth na P6.5 million.
Nabatid na P16 million ang idineklarang total assets ni Trillanes ngunit nasa P9.5 million ang utang nito sa housing loan, car loan at personal loans.
Sumunod naman kay Villar sa usapin ng yaman at isa ring bilyonaryo ay ang neophyte senator, ang pambansang kamao na si Manny Pacquiao na may net worth na mahigit P3.072 billion pesos.
Sinundan sila sa ikatlong posisyon ni Sen. Ralph Recto na may net worth na mahigit P522 million.
Pang-apat sa pinakamayamang senador si Sen. Sonny Angara na may net worth na mahigit P123 million at pumasok sa top 5 si Sen. Migs Zubiri na may deklarasyong net worth na mahigit 121 million pesos.
Pang-anim si Sen. Win Gatchalian na may net worth na P92.1 million.
Narito ang iba pang net woth ng mga senador batay sa kanilang SALN:
7. Sen Grace Poe – P88.4 million
8. Senate Minority Leader Frank Drilon – P82.4 million
9. Sen. JV Ejercito – P79.1 million
10. Sen. Richard Gordon – P66.9 million
11. Senate Majority Leader Tito Sotto – P63.8 million
12. Sen. Nancy Binay – P60.4 million
13. Sen. Loren Legarda – P40.9 million
14. Sen Ping Lacson – P38.7 million
15. Sen. Bam Aquino – P33.8 million
16. Sen. Alan Peter Cayetano – P24 .1 million
17. Sen. Joel Villanueva – P21.5 million
18. Sen Gringo Honasan – P21.2 million
19. Senate President Koko Pimentel – P17.7 million
20. Sen. Risa Hontiveros – P16.3 million
21. Sen. Kiko Pangilinan – P9.2 million
22. Sen.Leila de Lima – P6.6 million at;
at ang pang – 23 noong nakaraang taon at ang pinakamahirap noon 2015 ay si Sen. Chiz Escudero na nagdeklara ng net worth na P6.6 million pesos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.