1 patay, higit 20 sugatan sa pag-araro ng kotse sa mga pedestrian sa Times Square
Isa na ang kumpirmadong nasawi samantalang nasa mahigit dalawampu pa ang nasugatan makaraang araruhin ang mga ito ng kotse sa Times Square sa Manhattan, New York.
Sa inisyal na ulat ng mga otoridad, isang 18-anyos na ginang na hindi pa pinangalanan ang namatay sanhi ng mga tinamo nitong pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Samantala, nakilala naman ang suspek sa si Richard Rojas, 26-anyos, isang dati umanong US navy at residente ng Bronx sa New York.
Minamaneho ni Rojas ang kanyang pulang Honda na kotse nang araruhin nito ang hilera ng mga naglalakad sa Times Square bago ito tumagilid at humambalang sa bangketa.
Dahil dito, agad na rumesponde ang mga pulis at emergency rescue personnel na agad na nagbigay ng paunang lunas sa mga biktima bago dinala ang mga ito sa ospital.
Lumilitaw rin sa inisyal na imbestigasyon na hindi ‘terror related’ ang insidente.
Napag-alamang may mga dati nang kaso ng driving while intoxicated’ (DWI) ang suspek.
Ang Times Square na isa sa mga pinakasikat na tourist attraction sa New York karaniwang puno ng maraming tao, gabi man o araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.