1 patay sa nangyaring bakbakan ng NPA at mga sundalo sa Laguna
Itinaas ng mga pulis ang alerto sa tatlong bayan sa lalawigan ng Laguna, matapos maganap doon ang engkwentro sa pagitan ng mga rebelde at mga sundalo kahapon.
Umabot na sa kabuuang 12 ang sugatan sa insidente, habang isang sundalo naman ang nakumpirmang patay.
Ayon sa hepe ng Luisiana police na si Senior Insp. Romeo Manga, nanatiling mataas ang tensyon sa mga bayan ng Luisiana, Cavinti at Majayjay, pati na sa Lucban sa Quezon matapos tambangan ng mga rebelde ang dalawang sasakyan ng militar noong Miyerkules.
Kinilala ang nasawi na si PFC. Gregorio Maico matapos ang pitong oras na bakbakang nagsimula tanghali pa ng Miyerkules sa border ng Laguna at Quezon.
Samantala, hindi naman na nagbigay ng detalye ang mga otoridad kaugnay ng pagkakakilanlan ng dalawang sibilyang nasaktan at nadamay sa bakbakan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.