Ayon kay AFP Public Affairs chief Col. Edgard Arevalo, isang magandang balita para sa kanila kung may paraan para makatipid sila sa pagkamit sa kanilang mga pangangailangan sa pamamagitan ng pagtanggap ng tulong.
Aniya sa ganitong paraan, mailalaan ang pondong gagastusin sana para doon, sa iba pang mga pangangailangan ng AFP.
Kaya kung mayroon man aniya talagang ibibigay sa kanila ang China, maluwag nila itong tatanggapin.
Tiniyak naman ni Arevalo na maiging ipasisiyasat sa isang technical working group ang mga kagamitan na ido-donate sa kanila upang malaman kung magagamit ang mga ito kasabay ng mga ginagamit na nila ngayon.