AFP, handang tumanggap ng donasyong mga armas mula sa China

By Kabie Aenlle May 19, 2017 - 04:03 AM

AFPWalang nakikitang problema ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kung tatanggapin nila ang mga armas na posibleng ibigay ng China sa kanila.

Ayon kay AFP Public Affairs chief Col. Edgard Arevalo, isang magandang balita para sa kanila kung may paraan para makatipid sila sa pagkamit sa kanilang mga pangangailangan sa pamamagitan ng pagtanggap ng tulong.

Aniya sa ganitong paraan, mailalaan ang pondong gagastusin sana para doon, sa iba pang mga pangangailangan ng AFP.

Kaya kung mayroon man aniya talagang ibibigay sa kanila ang China, maluwag nila itong tatanggapin.

Tiniyak naman ni Arevalo na maiging ipasisiyasat sa isang technical working group ang mga kagamitan na ido-donate sa kanila upang malaman kung magagamit ang mga ito kasabay ng mga ginagamit na nila ngayon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.