China at ASEAN, pabor sa pagbuo ng draft framework sa South China Sea

By Jay Dones May 19, 2017 - 04:27 AM

 

South-China-Sea_Inte-AP-0407-1024x557Nagkasundo na ang China at ang Association of Southeast Asian Nations o ASEAN na bumalangkas ng ‘framework’ para sa bubuuing ‘code of conduct’ sa South China Sea.

Ang naturang framework na napagkaisahan sa pagpupulong ng mga senior officials mula China at ASEAN ay magsisilbing paunang guidelines para sa mas detalyadong kasunduan na bubuuin sa hinaharap.

Sa ilalim ng draft na nakuha ng AFP, sinasabing layunin ng draft na mabuo ang mga panuntunan para sa mga bansang kasapi ng ASEAN at China at upang mapanatili ang kooperasyon sa pagitan ng mga ito.

Ngayong araw, nakatakda namang mag-usap ang mga kinatawan ng Pilipinas at China para sa unang round ng bilateral talks upang talakayin ang sitwasyon sa South China Sea.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.