Dating FBI chief, pangungunahan ng Trump-Moscow collusion probe
Pangungunahan ng isang dating hepe ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ang imbestigasyon upang matukoy ang katotohanan sa likod ng alegasyong nakipagsabwatan ang kampo ni US president Donald Trump sa Russia upang manipulahin ang 2016 presidential elections.
Si Robert Mueller, ang napili ni Deputy Attorney General na pangunahan ang naturang imbestigasyon.
Si Mueller na sampung taong namuno sa FBI ay nanilbihan bilang hepe nito sa matapos ang 9/11 attacks sa Amerika.
Ayon kay Deputy Attorney general Rod Rosenstein, pinili niya si Mueller dahil walang bahid ito ng anomalya at isang respetadong tao ito.
Tututukan ni Mueller ang paghahanap ng mga ebidensya kung mayroon man ng sinasabing sabwatan sa pagitan ng Russian Government at Kampo ni Trump upang maipanalo ito sa nakalipas na eleksyon.
Mariin namang itinatanggi ni Trump ang naturang alegasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.