Anti-Distracted Driving Law, posibleng gawing raket ng mga enforcers

By Jong Manlapaz May 19, 2017 - 04:08 AM

 

textNangangamba ang Philippine Global Road Safety na pagmulan ng money making scheme ang bagong batas na Anti Distracted Driving Law.

Sinabi ni si Alberto Suansing, secretary general ng grupo, hindi malayo na samantalahin ito ng ilang matiwaling traffic enforcers.

Maari na diskartehan ito ng mga ito tulad ng sadyang pahigpitin ang trapik sa isang lugar at may spotter na tututok lamang sa sinumang lalabag.

At kapag nabugnot na ang mga nasa loob ng sasakyan at matuksong dadamputin ang cellphone ay dito na sila bubulagain ng mga nanghuhuli.

Iginiit ni Suansing na dapat na saklawin lamang ng batas ang mga tumatakbong sasakyan.

Gayunman, pinayuhan ni Suansing ang mga motorista na sundin ang bagong batas na ito dahil sa kaligtasan ng mga motorista at pasahero.

Aniya, itinuturing nasa ikasampu sa nakamamatay na uri ng distracted driving ang paghawak ng cellphone habang nagmamaneho.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.