LP, walang kinalaman sa umano’y balak na kudeta sa Senado

By Jan Escosio May 19, 2017 - 04:24 AM

 

DKiko Pangilinanumistansiya ang Liberal Party senators sa mga lumulutang na diumano’y plano na patalsikin si Sen. Koko Pimentel bilang Senate President.

Ayon kay Sen. Kiko Pangilinan, na siya rin presidente ng Partido Liberal, ang kanilang ginagawa lang bilang senador ay magbigay ng check and balance sa administrasyong-Duterte at ito naman aniya ay bahagi ng demokrasya.

Giit ng senador wala silang kinalaman sa anuman sinasabing balak na baguhin ang liderato ng senado.

Samantala, sa sinasabing kawalan ng liderato sa kanilang partido kaya’t lumalayas ang kanilang mga miyembro, ayon kay Pangilinan, ito ay taliwas sa nangyayari dahil aniya ang kanilang ipinapakita ay matatag na liderato sa pamamagitan ng pagpuna sa ilang hakbang ng gobyerno.

Pagtitiyak pa ni Pangilinan na magpapatuloy sila sa kanilang ginagawa bagamat aniya mas magiging mahirap ang ginagawang pagbangon ng kanilang partido dahil sa mga kasinungalingan ipinapakalat patungkol sa kanila.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.