Giit ni Ejercito, walang pangangailangan na magkaroon ng recall election sa kanilang lungsod dahil ayaw ito ng kanilang mga kababayan.
Aniya maganda ang mga ginawang pagbabago ng kanyang ina sa kanilang lungsod at aniya sa katunayan ay tumatanggap sila ng mga pagkilala mula sa DILG at iba pang ahensiya ng gobyerno.
Banggit pa ng senador na ang recall petition ay nag-ugat sa isang kalaban sa pulitika na hindi marunong tumanggap ng pagkatalo at ang tinutukoy niya ay si dating Vice Mayor Francis Zamora na dati nilang kaalyado.
Nauna nang naghain ng petisyon ang mga tagasuporta ni Zamora para magkaroon ng recall election sa lungsod sabay ang akusasyon kay Gomez ng katiwalian, pang- aabuso ng kapangyarihan at hindi pagtupad sa tungkulin.
Bago pa ito, naghain na si Zamora ng disqualification case laban kay Gomez base sa alegasyon ng vote-buying noong nakaraang eleksyon ngunit binawi rin niya ito dahil sa recall petition.