Recall petition sa kanyang ina minaliit ni Sen. JV Ejercito

By Jan Escosio May 18, 2017 - 05:02 PM

San-Juan-0703Dinipensahan ni Sen. JV Ejercito ang kanyang ina na si San Juan City Mayor Guia Gomez kaugnay sa recall petisyon na isinampa ng mga tagasuporta ng kanilang mga kalaban sa lokal na pulitika.

Giit ni Ejercito, walang pangangailangan na magkaroon ng recall election sa kanilang lungsod dahil ayaw ito ng kanilang mga kababayan.

Aniya maganda ang mga ginawang pagbabago ng kanyang ina sa kanilang lungsod at aniya sa katunayan ay tumatanggap sila ng mga pagkilala mula sa DILG at iba pang ahensiya ng gobyerno.

Banggit pa ng senador na ang recall petition ay nag-ugat sa isang kalaban sa pulitika na hindi marunong tumanggap ng pagkatalo at ang tinutukoy niya ay si dating Vice Mayor Francis Zamora na dati nilang kaalyado.

Nauna nang naghain ng petisyon ang mga tagasuporta ni Zamora para magkaroon ng recall election sa lungsod sabay ang akusasyon kay Gomez ng katiwalian, pang- aabuso ng kapangyarihan at hindi pagtupad sa tungkulin.

Bago pa ito, naghain na si Zamora ng disqualification case laban kay Gomez base sa alegasyon ng vote-buying noong nakaraang eleksyon ngunit binawi rin niya ito dahil sa recall petition.

TAGS: Ejercito, gomez, recall petition, Zamora, Ejercito, gomez, recall petition, Zamora

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.