Lapanday Farm sa Tagum City tuluyan nang nakuha ng mga magsasaka
Tuluyan nang napasok ng mga miyembro ng Madaum Agrarian Reform Beneficiaries Inc. (MARBAI) ang Lapanday Farm sa Tagum City.
Layunin nito na kunin ang bahagi ng nasabing hacienda na nauna nang ibinigay sa kanila sa ilalim ng agrarian reform program ng pamahalaan.
Pinangunahan ni Agrarian Reform Sec. Paeng Mariano ang installation process para sa 159 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) na matagal ring nakipagpalaban para sa karapatans a 145-hectare na lupain na pag-aari ng Lapanday Food Corporation ng pamilya Lorenzo.
Magugunitang kamakailan ay kinausap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kasapi ng MARBAI sa kanilang isinagawang rally sa Mendiola kung saan sinabi ng pangulo na tututukan niya ang hinaing ng mga ito.
Sinabi ni Kilusang Magbubukid ng Pilipinas Spokesman Antonio Flores na bukod sa Lapanday Estates ay target rin nilang i-take over ang ilang mga malalaking lupain na umano’y iligal na kinuha sa mga magsasaka sa pamamagitan ng land grabbing.
Kabilang dito ang Hacienda Luisita, Hacienda Looc, Hacienda Dolores, Yulo King Ranch, Negros haciendas, Araneta lands at iba pa.
Nagparating naman ng pasasalamat kay Pangulong Rodrigo Duteter ang mga kasapi ng MARBAI kaugnay sa naging suporta nito sa ginawa nilang paghahabol sa nasabing lupain.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.