Sa kanilang pahayag, sinabi ni NCTU Chairman Ernie Cruz na gagawin ang tigil-pasada sa May 22-23.
Layunin ng protesta na iparating sa pamahalaan ang kanilan pagtutol sa Traffic Crisis Act of 2016 kung saan ay nakapaloob umano ang pag-phase out sa mga pampasaherong jeepney na may edad 15 taon pataas.
Sinabi ng pinuno ng NCTU na maraming mga tsuper at operators ng mag jeepney ang mawawalan ng hanap-buhay kapag itinuloy ang jeepney phase-out.
Ngayon pa lamang ay humihingi na sila ng pang-unawa sa publiko kaugnay sa gagawing kilos-protesta.
Umaasa rin ang grupo ni Cruz na makikiisa sa kanilang gagawing dalawang araw na tigil-pasada ang iba pang transport group sa bansa.