2 araw na transport strike tuloy na sa susunod na linggo

By Den Macaranas May 18, 2017 - 03:28 PM

JeepneyKasado na sa susunod na linggo ang dalawang araw na transport strike na pangungunahan ng National Confederation of Transport Workers’ Union (NCTU).

Sa kanilang pahayag, sinabi ni NCTU Chairman Ernie Cruz na gagawin ang tigil-pasada sa May 22-23.

Layunin ng protesta na iparating sa pamahalaan ang kanilan pagtutol sa Traffic Crisis Act of 2016 kung saan ay nakapaloob umano ang pag-phase out sa mga pampasaherong jeepney na may edad 15 taon pataas.

Sinabi ng pinuno ng NCTU na maraming mga tsuper at operators ng mag jeepney ang mawawalan ng hanap-buhay kapag itinuloy ang jeepney phase-out.

Ngayon pa lamang ay humihingi na sila ng pang-unawa sa publiko kaugnay sa gagawing kilos-protesta.

Umaasa rin ang grupo ni Cruz na makikiisa sa kanilang gagawing dalawang araw na tigil-pasada ang iba pang transport group sa bansa.

TAGS: jeepney strike, ltfrb, nctu, phase out, jeepney strike, ltfrb, nctu, phase out

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.