De Lima, ipinalalabas kay Janet Napoles ang umano’y tagong yaman nito
Hinamon ni Senator Leila de Lima ang tinaguriang pork barrel scam queen na si Janet Napoles na ibalik ang umano’y nakaw na yaman nito.
Nais ni De Lima na isoli ni Napoles ang yaman na umano’y iligal nitong nakuha mula sa mga kwestyunableng kasunduan sa mga mambabatas na sangkot sa maanomalyang paggamit ng kanilang Priority Development Assistance Fund o PDAF.
Hamon ito ng senadora sa gitna ng posibilidad na maging state witness si Napoles kung muling iimbestigahan ang pork barrel scam.
Ayon kay De Lima, hindi matatanggihan ni Napoles ang alok ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre II na maging testigo ito ng gobyerno basta sabihin nito ang iba pang dawit sa anomalya.
Kung sa tingin umano ng pamahalaan ay credible witness si Napoles dahil isa itong minimal player sa kaso, hamon ni De Lima na ibalik nito ang kanyang ill gotten wealth.
Naninindigan si De Lima na hindi pwedeng maging state witness si Napoles dahil ito ang most guilty sa PDAF scam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.