Inirekomendang masa
Sa resolusyon ng DOJ na may petsang May 12, 2017 na aprubado ni Prosecutor General Victor Sepulveda, si Pena ay pinasasampahan ng reklamong paglabag sa Section 15 ng RA 9165 o use of dangerous drugs.
Si Pena, kasama ang iba pang respondent na sina Jose Paolo “JP” Ampeso at Ledy Mea “Mae” Vilchez ay naaresto sa isinagawang buy bust operation ng NBI sa isang condominium unit sa Merryland Village sa Lungsod ng Mandaluyong noong May 10.
Nasamsam mula sa mga suspek ang dalawang plastic sachet ng shabu, ilang piraso ng drug paraphernalia at weighing scale.
Ang tatlo ay nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga base na rin sa pagsusuri na ginawa ng NBI.
Samantala, ipinagpaliban muna ng DOJ ang resolusyon sa reklamong paglabag sa Section 7 ng RA 9165 o visiting a drug den laban kay Pena dahil kinakailangan pa munang madesisyunan ang paglabag sa Section 6 ng RA 9165 o maintaining a drug den na inihain laban kina Vilchez at Ampeso.
Isasailalim din ng DOJ sa full blown preliminary investigation ang paglabag sa Section 5 ng RA 9165 o pagbebenta ng iligal na droga na inihain din laban kay Pena.