Libu-libong mga puno, iligal na pinutol sa Palawan

By Kabie Aenlle May 18, 2017 - 10:16 AM

BROOKES POINT PALAWANPinutol ng isang large-scale mining company sa Palawan ang 15,000 puno sa bayan ng Brooke’s Point.

Ito’y sa kabila ng kanselasyon sa kanilang environmental clearance certificate at kawalan ng permit mula sa lokal na pamahalaan.

Inakusahan ni Brooke’s Point Mayor Jean Feliciano ang Ipilan Nickel Corp. ng pag-putol sa mga matatandang puno sa sampung ektarya ng kanilang gubat.

Isa ang INC sa mga kumpanyang ipinasara noon ni dating DENR Sec. Gina Lopez.

Dagdag ni Feliciano, wala ring business at mayor’s permit ang nasabing kumpanya.

Dahil dito, nais nilang ipakansela sa Palawan Council for Sustainable Development ang strategic environmental plan permit ng INC, at magsasampa rin ang lokal na pamahalaan ng kasong illegal logging laban sa kumpanya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.