Secret jail sa Tondo, hindi na umano sikreto ayon sa PNP-IAS

By Kabie Aenlle May 18, 2017 - 09:54 AM

INQUIRER photo / Aie Balagtas See
INQUIRER photo / Aie Balagtas See

Iginiit ng mga imbestigador ng Philippine National Police-Internal Affairs Service na hindi sikreto ang “secret cell” na natagpuan sa Raxabago Police Station sa Tondo, Maynila.

Ayon kay IAS Inspector General Alfegar Triambulo, lumabas rin sa imbestigasyon na hindi naman lumabag sa karapatang pantao ang mga pulis na responsable dito.

Hindi naman kasi aniya nakitaan ng anumang latay o marka ng pananakit ang sampung detainees na naabutan sa nasabing secret jail, at pinapayagan naman silang madalaw ng sinuman.

Lumabas din sa imbestigasyon na ayon sa ilang kaanak ng mga detenido at dalawang barangay captains, ginagamit talaga ang naturang masikip na lugar bilang “holding cell.”

Nag-presenta pa ng certification ang dalawang kapitan ng barangay na nagpapatunay na matagal na itong ginagamit ng police station.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.