Pagpapasali ni Duterte sa Turkey at Mongolia sa ASEAN, posibleng biro lang

By Kabie Aenlle May 18, 2017 - 09:51 AM

TURKEY MONGOLIAHinala ni dating ambassador to the United Nations Lauro Baja Jr., biro lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasabing bukas siyang pasalihin sa Association of Southeast Asian Nations ang Turkey at Mongolia.

Ayon kay Baja, mismong ang pangulo na ang nagsabi noon na sa limang sasabihin niya, dalawa lang ang seryoso at ang iba ay biro na, kaya tingin niya, isa lang ito sa mga biro ni Duterte.

Una nang sinabi ni Duterte na handa siyang i-endorse ang pagpasok ng dalawang bansa sa ASEAN kahit na hindi na ito sakop ng rehiyon base sa geography.

Gayunman, kung seryoso man ang pangulo, sinabi ni Baja na dapat munang pag-aralang maigi ni Duterte kung makikinabang ba ang ASEAN sa hakbang na ito.

Kailangan rin aniyang linawin ni Duterte kung magiging permanent member-states ba ang Turkey at Mongolia kung sakali, o dialogue partners lang tulad ng India at Pakistan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.