Tiniyak ni Finance Sec. Carlos Dominguez III na hindi mababaon sa utang ang gobyerno dahil sa mga planong pagpapaunlad sa mga imprastraktura sa bansa.
Paliwanag ni Dominguez, ang pondong gagamitin sa mga pagpapagawa ng mga imprastraktura ay kukunin mula sa mga kikitain ng pamahalaan sa comprehensive tax reform plan, at mga local borrowings.
Aniya pa, sasamantalahin ng gobyerno ang excess liquidity sa domestic market sa pamamagitan ng pag-utang ng 80 percent mula sa mga bangko at iba pang financial institutions sa bansa, habang ang 20 percent naman ay magmumula sa overseas lenders.
Dagdag pa ng kalihim, mag-iinvest sila at kikita mula dito, para mabayaran ang mga utang ng bansa.
Ang nasabing mga pahayag ay bilang tugon na rin sa isang opinyon ng Corr Analytics founder na si Anders Corr sa Forbes Magazine.
Nakasaad kasi dito na ang utang ng Pilipinas, kasama ang interes ay nasa $452 bilyon na mula sa dating $167 bilyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.