400 sundalo, dinala sa Davao mula sa Sulu

By Kabie Aenlle May 18, 2017 - 04:18 AM

 

soldiers-0226Isang batalyon ng mga sundalo ang hinugot mula sa Sulu at dinala sa Davao City upang mas paigtingin pa ang seguridad ng lungsod laban sa mga hinihinalang terorista at komunistang rebelde.

Ayon sa city information office, nasa 400 miyembro ng 16th Infantry Battalion na pinangungunahan ni Lt. Col. Daren Comia ang dumating na sa lungsod upang mas paigtingin ang seguridad at kapayapaan sa lugar.

Tutulong ang mga nasabing sundalo sa Task Force Davao para protektahan ang lungsod mula sa mga pag-atake ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA).

Matatandaang Setyembre ng nagdaang taon naganap ang malagim na pagpapasabog ng mga hinihinalang teroritsta sa Roxas night market kung saan 15 katao ang nasawi.

Lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Sara Duterte sa dagdag na seguridad sa kaniyang lugar na nasasakupan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.