Panukalang pag-extend sa validity ng passport, pirma na lang ni Duterte ang kulang

By Kabie Aenlle May 18, 2017 - 04:16 AM

 

Philippine passportNakahanda nang papirmahan kay Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang magpapalawig sa validity ng passport na gagawin nang 10 taon mula sa dating limang taon lamang.

Ito’y matapos maratipikahan sa parehong kapulungan ng Kongreso ang bicameral committee report ng panukala na in-adopt unanimously ng Senado kahapon.

Ayon kay Sen. Cynthia Villar na vice chair ng Senate committee on foreign relations, kumpyansa siyang uunahin ng pangulo ang pagsasabatas nito dahil kasama ito sa kaniang agenda.

Binanggit pa ni Villar na sa unang state of the nation address ni Duterte noong nakaraang taon, ipinakiusap niya sa Kongreso ang pag-amyenda sa batas na may kaugnayan dito.

Sa bilis aniya ng pagratipika nila dito, makikita na lahat ng mga mambabatas ay nagkakasundo sa tulungan ang mga biyahero partikular na ang mga overseas Filipino workers.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.