Mahigit P1-B kontrata sa IT, janitorial at security services, nakokorner ng pamilya Binay-Trillanes

August 24, 2015 - 08:52 PM

 

Inquirer file photo

Aabot sa mahigit isang bilyong pisong kontrata kada taon sa Information Technology, janitorial at security services ang nakokorner umano ng pamilya ni Vice President Jejomar Binay sa Makati City.

Ayon kay senador Antonio Trillanes, IV, ito ang kanyang ibubunyag sa ikadalawampu’t apat na pagdinig ng Senate Blue Ribbon subcommittee sa Miyerkules, August 26 kaugnay sa mga anomalyang kinasasangkutan ng pamilya Binay.

Gayunman, tumanggi si Trillanes na tukuyin kung magkanong halaga mula sa mahigit isang bilyong pisong kontrata ang nakukuhang ‘kickback’ ng pamilya Binay.

Paliwanag ni Trillanes, hindi si Mayor Junjun Binay ang may kagagawan sa kontrata kundi minana lamang niya mula sa kanyang ama na si Vice President Jejomar Binay noong siya pa ang mayor ng Makati.

Itutuloy din ni Trillanes sa Miyerkules ang pagbubunyag sa ‘ghost’ senior citizens sa Makati city kung saan aabot sa 376.5 milyong pisong pondo ang nawawala kada taon.

Samantala, pinabulaanan ni senador Trillanes iv na ginagamit niya ang pondo sa senado para ipang sweldo sa kanyang boy at katulong sa bahay.

Ayon sa mambabatas, mga confidential agent niya ang mga kinukwestyung pangalan na nasa kanyang payola.

Ginagamit niya umano ang mga ‘confidential agent’ sa ginagawang imbestigasyon sa mga anomalya na kinasasangkutan ni Vice Presdient Jejomar Binay./Chona Yu

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.