Desisyon ng arbitral tribunal, alanganin pang mapag-usapan sa bilateral talks sa China

By Kabie Aenlle May 18, 2017 - 04:19 AM

 

United-Nations-Arbitral-Tribunal-Hague-Philippines-vs-China-maritime-dispute-West-Philippines-Sea-South-China-SeaMagsisimula na ngayong araw ang bilateral talks sa pagitan ng Pilipinas at China, ngunit hindi pa tiyak kung mapag-uusapan ang naging desisyon n arbitral tribunal tungkol sa agawan ng teritoryo sa South China Sea.

Ayon kay Philippine Ambasador to China Chito Sta. Romana, mahigpit na ibinilin sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte na ungkatin ang ganitong usapin sa tamang panahon.

Hindi naman aniya nila ito maaring banggitin agad sa simula ng pag-uusap dahil magdudulot lamang ito ng hidwaan.

Hindi na rin binanggit pa ni Sta. Romana kung ano pa ang mga posibleng mapag-usapan sa bilateral talks, basta’t tiniyak lang niya na nakahanay ito sa pagpapabuti ng bilateral relations ng Pilipinas at China sa mapayapang paraan upang maiwasan ang karahasan.

Si Sta. Romana din ang mamumuno sa team ng Pilipinas sa bilateral talks, habang ang team naman ng China ay pamumunuan ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.