Paggamit ng cellphone habang nagmamaneho, bawal na simula ngayon
Simula na ngayong araw ang implementasyon ng Anti-Distracted Driving Act.
Sa ilalim ng naturang batas, huhulihin na ng mga otoridad ang sinumang mapapatunayang gumagamit ng kanilang mga cellphone o anumang uri ng electronic device habang nagmamaneho ng mga sasakyan.
Bukod sa mga kotse, damay din sa naturang kautusan ang driver ng mga karetela, motorsiklo, pedicab at iba pa.
Sakaling mahuli, posibleng mapatawan ng penalty ang mga driver na lumabag sa naturang batas o di kaya ay tuluyang matanggalan ng lisensya.
Payo ng LTO sa mga driver na gumagamit ng mga cellphone at iba pang gadgets habang nagmamaneho, kailangang itabi muna ang mga sasakyan bago silipin ang kanilang mga mensahe sa cellphone.
Ito aniya ay upang mapanatiling naka-focus sa pagmamaneho ang mga motorista.
Payo naman ng MMDA sa mga driver ng Uber o Grab na kalimitang gumagamit ng mga cellphone sa kanilang pagkuha ng mga pasahero, dapat ay alamin muna ng mga ito ang ruta na kanilang dadaanan bago tuluyang paandarin ang sasakyan.
Maari ring gamitin ang hands-free function ng mga gadgets upang hindi mapatawan ng penalty ang mga motorista sa ilalim ng batas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.