Palitan ng preso, pinag-uusapan ng China at Pilipinas

By Jay Dones May 18, 2017 - 04:22 AM

 

sta. romanaPinag-iisapan na ng China at Pilipinas na magkaroon ng palitan ng mga preso o ‘exchange of prisoners’ sa pagitan ng dalawang bansa.

Ayon kay Philippine Ambassador to China Jose Santiago Sta. Romana, nagkaroon na ng diskusyon sa usapin ng palitan ng mga drug convicts upang sa kanilang sariling bansa na makulong ang mga ito.

Sa ngayon aniya, may 190 mga Pinoy ang nakakulong sa iba’t ibang bilangguan sa China.

Dalawa sa mga Pinoy na ito ay nakahanay sa death row, ayon kay Sta. Romana.

Gayundin, mayroon rin naman aniyang mga Chinese na nakakulong ngayon sa Pilipinas.

Gayunman, nilinaw ni Sta. Romana na magiging case-to-case basis at hindi maramihang palitan ng mga preso ang mangyayari kung maaaprubahan ang panukala.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.